Isang litrato ng produkto. Isang buong video plan.
Hook, voiceover, video prompt at caption para sa TikTok at Shopee. Phone mo lang at libreng ChatGPT o Gemini ang kailangan.
- HHook"Isang litro pero kasya sa cup holder? Tingnan mo 'to."
- VVoiceover"Ayon sa listing, 1.2 liters 'tong tumbler at may takip na may straw. Check mo sa basket ang latest price."
- PVideo prompt (English)Vertical 9:16, slow push-in on the tumbler on a clean desk, soft light, no people…
- CCaptionPang-araw-araw na tubig, hindi na kailangang mag-refill lagi. #tumbler · AI-generated video · Affiliate link
Hindi produkto ang kulang, oras at diskarte
Kahit marami kang mapo-promote, nauubos ang oras sa pag-iisip kung paano sisimulan ang bawat video.
Ano kayang hook ang babagay dito?
Bawat bagong produkto, simula ka ulit sa wala.
Bakit iba ang itsura ng produkto sa video?
Kapag basta-basta ang prompt, nag-iimbento ang AI ng kulay, logo o parte.
Ayokong humarap sa camera.
Gusto mong kumita sa affiliate, pero hindi mo gustong ipakita ang mukha o kamay mo.
Baka ma-flag ang video ko.
Isang maling claim o kulang na label lang, pwede nang matanggal ang post.
Subukan muna, wala kang babayaran
Isang produkto, isang 10-second sample. Gumagana sa libreng ChatGPT o Gemini sa phone mo.
- 1Piliin kung saan ka gagawa at ang wika ng dialogue.
- 2Pindutin ang button. Makokopya ang prompt at bubuksan ang app.
- 3I-paste, i-attach ang litrato ng produkto at listing, tapos i-send.
Kapag nagustuhan mo ang sample, ito ang buo
Lahat ng ito ay nasa members page na ibibigay sa'yo pagkatapos magbayad.
Lirva bots
Gumagawa ng plan, nagche-check ng video bago i-post, at nagbabasa ng resulta para sa susunod.
Klase ng video
Walang kailangang humarap sa camera. May babala at mas simpleng paraan para sa bawat isa.
Handang templates
Pumili, ilagay ang produkto, at buo na ang prompt na may scenes at caption.
Higit pa sa affiliate
Prompt builders para sa kwento, usapan at facts na may character o host na hindi nagbabago ang itsura.
Puntong checklist
I-tsek bago mag-post para iwas maling claim at kulang na label.
Gabay para sa phone at Free
Paano gamitin sa ChatGPT o Gemini, at ano ang gagawin kapag naubos ang limit.
Lite at Suite
| Kasama | Lite (libre) | Suite (₱599) |
|---|---|---|
| Hook | Isa | Ilang pagpipilian |
| Haba | 10 segundo, isang scene | Buong video, ilang scenes |
| Video prompts | Isa | Bawat scene |
| Video styles at templates | Wala | 37 styles, 10 templates |
| Kwento, Usapan, Alam Mo Ba | Wala | Meron |
| Video QC at Performance bots | Wala | Meron |
Isang bayad, buong Suite
Isang beses lang magbabayad, walang expiration. GCash lang ang tinatanggap sa ngayon.
- Walang expiration
- Para sa isang Gmail account
- Access sa members page
- Lahat ng Lirva bots at prompts
- 37 video styles at 10 templates
- Kwento, Usapan at Alam Mo Ba builders
- Checklist at gabay
Paano bumili
- 1Magpadala ng ₱599 sa GCash.
- 2I-screenshot ang resibo ng GCash.
- 3I-message ang FB page na Avril AIFinds kasama ang screenshot, pangalan mo, at ang Gmail na gagamitin mo.
- 4Ipapadala namin sa Messenger ang link ng members page.
Siguraduhing sa page na Avril AIFinds ka nagme-message. Hindi kami hihingi ng password o OTP mo kahit kailan.
Bago ka magbayad
Pwede ba sa phone lang?
Oo. Ginawa ito para sa phone. Kokopyahin mo lang ang prompt at ipe-paste sa ChatGPT o Gemini app.
Kailangan ko bang naka-Pro o Plus?
Hindi. Gumagana ang mga prompt sa libreng ChatGPT at Gemini. May limit lang ang libreng account sa dami ng messages at uploads, kaya may tips kami kung paano makatipid.
Gagawa na ba ito ng video?
Ang Lirva ang gagawa ng plan: hook, script, voiceover, prompts at caption. Ang mismong video ay gagawin mo sa video AI na gamit mo, o sa CapCut gamit ang litrato at text. May mga style sa Suite na litrato at text lang ang kailangan.
Kailangan ko bang humarap sa camera?
Hindi. Lahat ng 37 style ay kayang gawin nang walang mukha o kamay mo.
Sigurado bang bebenta ako?
Walang makakapangako niyan. Ang tulong ng Lirva ay mas mabilis at mas maayos na content na sumusunod sa rules. Nasa produkto, audience at tiyaga mo pa rin ang resulta.
Paano ko makukuha pagkatapos magbayad?
I-message ang Avril AIFinds kasama ang resibo. Ipapadala namin ang link ng members page sa Messenger. Para sa'yo lang ang link, kaya huwag itong ipasa.
Ilang account ang pwede sa isang bayad?
Isa. Ang isang bayad ay para sa isang Gmail account, at wala itong expiration. Kung may kasama kang gagamit, kailangan niya ng sariling bayad.